Tuesday, September 29, 2026

𝗘𝗞𝗢𝗡𝗢𝗠𝗜𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗚𝗢

ISABELA — Patuloy ang paglago ng ekonomiya ng Isabela matapos itong makapagtala ng 4.2% growth rate mula 2024 hanggang 2025.
Batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority o PSA na inilabas sa Provincial Product Accounts Dissemination Forum sa Provincial Capitol ngayong araw, umabot sa P218.94 Billion ang halaga ng ekonomiya ng lalawigan noong 2025.
Naitala rin sa P124,862 ang per capita GDP ng Isabela, o ang tinatayang halaga ng economic output para sa bawat residente ng lalawigan.
Malaki rin ang naging ambag ng Isabela sa paglago ng ekonomiya ng Cagayan Valley, partikular sa mga sektor ng agrikultura at serbisyo na kabilang sa mga pangunahing nagpaangat sa ekonomiya ng rehiyon.
Ayon sa PSA, ipinapakita ng mga datos ang patuloy na paggalaw ng ekonomiya ng lalawigan, kasabay ng aktibidad sa mga sektor na nagbibigay ng trabaho, kita at kabuhayan sa mga Isabelino.
Patuloy naman ang pagsisikap na mapalakas ang mga pangunahing sektor ng ekonomiya upang higit pang mapalawak ang mga oportunidad at mapabuti ang kabuhayan ng mga residente sa lalawigan.
Facebook Comments