394 ESTUDYANTE SA PANGASINAN, NAKATANGGAP NG SCHOLARSHIP ASSISTANCE MULA SA CHED RO1

Aabot sa 394 na mag-aaral sa Pangasinan ang nabigyan ng scholarship assistance sa pamamagitan ng Commission on Higher Education Regional Office I (CHED RO1) matapos magsagawa ito ng orientation at pamamahagi ng Notice of Awards (NOAs) para sa mga benepisyaryo ng dalawang programang pang-edukasyon noong Nobyembre 19, 2026, sa University of Pangasinan.

Kabilang sa mga programang ito ang CHED Merit Scholarship Program (CMSP) at Allied Health Experiential Assistancefor Deserving Students (AHEAD) Grant, na naglalayong magbigay ng pinansiyal na suporta sa mga kwalipikadong mag-aaral upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga layuning pang-akademiko at propesyonal.

Sa kabuuang bilang, 78 mag-aaral mula sa Pangasinan ang napabilang sa mga bagong benepisyaryo ng CMSP.

Tinalakay sa orientation ang hinggil sa mga alituntunin ng programa, mga kinakailangang dokumento, at mga responsibilidadng mga iskolar.

Matapos ang oryentasyon, ipinamahagi sa mga benepisyaryo ang kanilang Notice of Awards, mga kontrata, at ReturnService Undertakings.

Samantala, isinagawa rin sa parehong araw ang ikalimang regional batch ng AHEAD Grant Orientation and Distributionof Notice of Awards para sa 316 na mag-aaral ng University of Pangasinan.

Ipinaliwanag rin sa mga estudyante ang tungkol sa mga patakaran ng grant at mga kondisyon ng subsidiya para sa Related Learning Experience(RLE).

Kasunod nito, ipinamahagi ang mga Notice of Awards at isinagawa ang beripikasyon ng mga kinakailangang dokumento sa mismong lugar.

Sa pamamagitan ng mga programang ito, patuloy na pinalalawak ng CHED RO1 ang oportunidad para sa tulong pinansiyal sa mga karapat-dapat na mag-aaral sa buong Region I, bilang suporta sa kanilang pag-aaral at paghahanda para sa kanilang magiging propesyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments