Thursday, April 30, 2026

11 pulis sa Pangasinan, sinibak kasunod ng kaso ng jueteng sa lalawigan

Sinibak sa puwesto ang 11 personnel ng Philippine National Police sa Pangasinan dahil sa umano’y kapabayaan sa pamamayagpag ng jueteng sa kanilang nasasakupan.

Ito ay kasunod ng sunod-sunod na raid na isinagawa ng National Bureau of Investigation sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan noong April 13, na nagresulta sa pagkakaaresto sa tinatayang 170 personnel at operators ng iligal na jueteng.

Kabilang sa mga sinibak sa puwesto ang director ng Pangasinan Police Provincial Office, hepe ng Provincial Intelligence Division ng PRO 1, at Officer-in-Charge ng Regional Intelligence Division ng PRO 1.

Kasama rin sa tinanggal sa tungkulin ang ilang hepe ng pulisya sa mga bayan at lungsod sa Pangasinan.

Epektibo ang kanilang pagkakatanggal sa puwesto noong April 27, 2026, sa utos ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr.

Facebook Comments