Tuesday, October 13, 2026

𝗔𝗧𝗧𝗬. 𝗛𝗔𝗥𝗢𝗟𝗗 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗜𝗖𝗜𝗢, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗠𝗣𝗥𝗢𝗡𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡

REINA MERCEDES, ISABELA – Handa umanong harapin ni Vice Mayor Atty. Jeryll Harold Respicio ang posibleng suspensiyon matapos ang mainitang komprontasyon sa isang barangay kapitan sa isang forum sa Reina Mercedes, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Reina Mercedes Vice Mayor Atty. Harold Respicio, sinabi nitong tatanggapin niya ang magiging resulta ng imbestigasyon mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Isabela.

Dagdag pa niya, handa rin umano siyang isantabi ang mga isyu ng korapsyon at accountability kapalit ng agarang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka ng tabako, sa gitna ng kontrobersiyang kaniyanv kinasangkutan.

Sa gitna ng kontrobersiya, nananatiling mahalaga ang kapakanan ng mga tobacco farmers, kasabay ng patas na pagsusuri sa mga alegasyon at pagtiyak ng pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan.

Facebook Comments