
REINA MERCEDES, ISABELA — Umaasa ang mga tobacco farmer sa Reina Mercedes, Isabela na maipamahagi na ang tulong na inaasahan nila mula sa tobacco excise tax fund upang makatulong sa kanilang gastusin sa pagsasaka.
Sa panayam ng IFM News Team, sinabi ni tobacco farmer Edgar Jimenez na mahalaga sa kanilang kabuhayan ang agarang pagbibigay ng tulong, lalo na sa gitna ng mga gastusing kailangan nilang tugunan sa bukid.
Ayon kay Jimenez, umaasa silang mabibigyang-pansin ng mga kinauukulan ang kanilang kalagayan at ang pangangailangan nilang masuportahan ang kanilang pagsasaka.
Patuloy namang hinihintay ng mga tobacco farmer ang tugon ng mga kinauukulang opisyal hinggil sa kanilang panawagan.
Facebook Comments










