Saturday, November 7, 2026

β€Žπ—–π—¨π—₯π—™π—˜π—ͺ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π— π—˜π—‘π—’π—₯ π——π—˜ π—˜π——π—”π——, π—œπ—£π—”π—§π—¨π—§π—¨π—£π—”π—— 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 π—šπ—¨π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—˜π—₯𝗠𝗒, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

β€ŽSAN GUILLERMO, ISABELA – Magpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad ang lokal na pamahalaan ng San Guillermo, Isabela, alinsunod sa Municipal Ordinance No. 2026-08.
β€Ž
β€ŽSa ilalim ng ordinansa, ipinagbabawal sa mga menor de edad ang pananatili, pagtambay at paggala sa mga pampublikong kalsada at lugar mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.
β€Ž
β€ŽPara sa unang paglabag, bibigyan ng paalala o admonition ang lalabag.
β€Ž
β€ŽSamantala, sa ikalawa at mga susunod pang paglabag, sasailalim ang mga ito sa mga non-punitive sanction o mga programang interbensyon alinsunod sa Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act, na inamyendahan ng RA No. 10630.
β€Ž
β€ŽLayunin ng hakbang na ito na mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan sa bayan ng San Guillermo.

Facebook Comments