Thursday, April 23, 2026

House Committee on Justice, hindi muna binuksan ang selyadong kahon na naglalaman ng tax documents ni VP duterte at kanyang mister

Sa isinagawang impeachment hearing kagabi ay nagpasya ang House Committee on Justice na huwag munang buksan ang selyadong kahon na isinumite ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Laman ng nabanggit na kahon ang tax documents ni Vice President Sara Duterte at mister na si Atty. Manases Carpio.

Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza, obligado silang sundin ang probisyon ng National Internal Revenue Code hinggil sa limitasyon sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang partikular na taxpayer.

Pero sabi ni Mendoza, pwedeng makita at mabusisi ang laman ng kahon ng tax information sa isang “executive session.”

At dahil hindi nabuksan ay mananatili sa pangangalaga ng Komite ang kahon kaya nagpasya ang mga miyembro ng komite na papirmahan sa BIR ang bahagi nito na sinelyuhan ng tape.

Facebook Comments