
Cauayan City – Pinangambahan ng mga mangingisda sa Sitio Minanga, Brgy. Namuac, Sanchez Mira, Cagayan matapos makaranas ng kakulangan ng oxygen sa Pata River na nagbanta sa kanilang mga bangus na nasa fish cages.
Dahil dito, nagsagawa ng emergency harvest ang mga mangingisda sa nabanggit na lugar matapos makaranas ng kakulangan ng oxygen sa Pata River na nagbanta sa kanilang mga bangus na nasa fish cages.
Agad namang kumilos si Mayor Abe Bagasin at humingi ng tulong kay Cagayan Governor Egay Aglipay at sa mga alkalde ng Cagayan upang matulungan ang mga apektadong mangingisda.
Bilang tugon, nangako naman si Governor Aglipay na bibili ng P1-M na halaga ng bangus na ipamamahagi sa mga miyembro ng TODA sa ilang bayan sa lalawigan.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, nasa 30 mangingisda ang naapektuhan ng sitwasyon at tinatayang aabot sa 31,000 kilo ng bangus ang kailangang maharvest sa lalong madaling panahon.
Sinabi rin ng mga opisyal na nakatulong ang agarang pagsasaayos ng punit sa ilog upang mabawasan ang pinsala at maiwasang maapektuhan ang lahat ng fish cages sa lugar.
Nanawagan si Mayor Bagasin sa publiko na suportahan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga sariwang bangus upang makatulong sa kanilang kabuhayan.










