Wednesday, July 22, 2026

š—¦š—”š—” š—™š—˜š—„š— š—œš—” š—˜š—Ÿš—˜š— š—˜š—”š—§š—”š—„š—¬ š—¦š—–š—›š—¢š—¢š—Ÿ, š—”š—œš—Ÿš—œš—”š—”š—Ŗ š—”š—”š—š š—Øš— š—”š—”š—¢’š—¬ š—£šŸ­,šŸ¬šŸ¬šŸ¬ š—”š—œš—„š—–š—¢š—” š—–š—¢š—”š—§š—„š—œš—•š—Øš—§š—œš—¢š—”

CAUAYAN CITY- Nilinaw ng pamunuan ng San Fermin Elementary School na walang naganap na pangongolekta o pagpapatupad ng umano’y P1,000 kontribusyon para sa airconditioning system ng paaralan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Ginang Emily Valdez, guro ng San Fermin Elementary School, kanyang pinabulaanan ang kumakalat na balita sa social media tungkol sa umano’y pangongolekta ng kontribusyon para sa aircon sa mga silid-aralan. Ayon sa kanya, walang inilabas na opisyal na kautusan o memorandum na nag-uutos sa mga magulang o mag-aaral na magbigay ng anumang halaga para sa proyektong may kaugnayan sa airconditioning system.

Dagdag pa niya, mahigpit nilang sinusunod ang polisiya ng Department of Education o DepEd na ā€œNo Collection Policyā€ na kung saan ipinagbabawal ang sapilitang pangongolekta ng anumang kontribusyon mula sa mga mag-aaral at magulang.

Binigyang-diin din nila na ang anumang proyekto o programa ng paaralan na nangangailangan ng suporta mula sa mga magulang ay dumaraan sa wastong proseso at malinaw na ipinapaalam sa lahat ng kinauukulan.

Sa gitna ng usapin, muling tiniyak ng pamunuan ng paaralan ang kanilang pagsunod sa umiiral na mga polisiya ng DepEd at ang kanilang pangakong panatilihin ang transparency sa lahat ng proyektong may kinalaman sa komunidad ng paaralan.

Facebook Comments