Friday, May 15, 2026

Pagpalya ng 2 transmission lines ng NGCP na naging sanhi ng brownouts, pina-iimbestigahan ng DOE sa Grid Reliability Task Force

Inatasan ng Department of Energy (DOE) ang Grid Reliability Task Force na imbestigajan ang pagpalya ng Tayabas-lijan at Ilijan-Dasmariñas transmission lines na naging dahilan ng mga brownout sa Luzon.

Ang naturang insidente ay nagdulot din ng pagtigil ng pag-transfer ng kuryente mula Luzon patungong Visayas na naging dahilan ng kritikal na supply ngayon sa nasabing rehiyon.

Aminado ang DOE na ang major disruptions ng naturang mga pasilidad ay may malawak na implikasyon sa grid operations, pagdaloy ng elekstrisidad at sa kundisyon ng supply sa Luzon at Visayas.

Nanawagan din ang Energy department sa publiko na magtipid muna sa kuryente lalo na kapag peak hours.

Ito ay habang hinahanapan ng remedyo ang aberya sa dalawang mahahalagang transmission lines.

Una nang inatasan ng DOE ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magsumite sa kanila ng incident report, kabilang na ang kumpletong operational data at technical findings sa naging ugat ng problema.

Facebook Comments