
Mariing itinanggi ni House Committee on Justice chairperson at Batangas Representative Gerville Luistro ang mga alegasyon na may matatanggap na reward o pera ang mga kongresista na boboto pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte at may parusa naman tulad ng pagtapyas sa pondo o kaso ang magbibigay ng “No” vote.
Ayon kay Luistro, kahit kailan ay walang kumausap sa kanya na nag-aalok ng offer o pagbabanta kaugnay sa impeachment proceedings laban kay VP Sara.
Bunsod nito ay iginiit ni Luistro na mas makabubuting huwag ng pansinin ang mga ganyang kwento na wala namang batayan.
Ayon kay Luistro, tututok na lang sila sa kanilang trabaho na ini-aatas ng Konstitusyon kaugnay sa pagsusulong ng pananagutan sa bayan.
Sa plenary session mamayang hapon ay inaasahang pagbobotohan na ang committee report na kinapapalooban ng resolution at articles of impeachment laban kay VP Sara.
kailanga itong makakuha ng 1/3 o 106 votes mula sa 318 mga kongresista para maiakyat sa Senate impeachment court.










