𝗣𝗢𝗦𝗢 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗥𝗔𝗣𝗜𝗞𝗢

Patuloy ang pagpapaalala ng POSO sa mga drivers na dumadaan sa kakalsadahan ng lungsod ng Dagupan na sumunod sa mga umiiral na traffic schemes sa siyudad.

Naglipana kasi diumano ang mga hinanaing ng ilang drivers sa tila napapadalas na paniniket sa kanila.

Paglilinaw naman ng POSO Dagupan na kailangang ipatupad ng mahigpit ang mga batas para sa kaayusan ng trapiko sa lungsod upang maiwasan ang mabigat na daloy nito.

Hinihikayat nila ang bawat isang dadaan sa mga kalsada sa Dagupan, na alamin ang mga kasalukuyang traffic schemes sa pamamagitan ng kanilang facebook page o magtanong sa mga nakaposteng POSO Officers na kanilang madadaanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments