Tuesday, October 20, 2026

š—£š—”š—š-š—–š—¢š—”š—©š—˜š—„š—§ š—”š—š š— š—šš—” š—šš—”š—¦š—¢š—Ÿš—œš—”š—˜ š—˜š—”š—šš—œš—”š—˜ š—£š—”š—§š—Øš—”š—šš—¢š—”š—š š—˜š—Ÿš—˜š—–š—§š—„š—œš—–, š—£š—œš—”š—”š—š-š—”š—”š—„š—”š—Ÿš—”š—” š—¦š—” š—–š—”š—Øš—”š—¬š—”š—” š—–š—œš—§š—¬

CAUAYAN CITY-Isinusulong ng Lungsod ng Cauayan ang paggamit ng mga electric vehicle bilang alternatibo sa mga pampasaherong sasakyang de-gasolina upang makatipid sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa panayam ng IFM News Team kay Cauayan City Mayor, Caesar S. Dy Jr., sinabi nitong, kabilang sa kanilang mga pinag-aaralan ang pag-connvert mula sa gasoline engine upang maging electric vehicle bilang tugon sa pabago-bagong presyo ng produktong petrolyo.

Ayon pa sa Alkalde, kinakailangan muna nilang humanap ng mga partner company na maaaring tumulong sa mga transport cooperative upang maisakatuparan ang planong conversion ng mga pampasaherong sasakyan.

Gayunman, kailangan pang matukoy ang mga kumpanyang makakatuwang sa programa, gayundin ang uri ng suportang maibibigay sa mga kooperatiba upang matugunan ang mga gastusin at teknikal na pangangailangan sa paglipat sa electric vehicle.

Sa ngayon, patuloy pang pinag-aaralan ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang mga posibleng katuwang upangmaisakatuparan ang plano, habang tinitiyak namatutugunan ang pangangailangan ng mga kooperatibaat hindi madaragdagan ang pasanin ng mga tsuper at pasahero.

Facebook Comments