Apat na kliyenteng dating namumuhay sa lansangan sa Pangasinan ang nakatanggap ng iba’t ibang uri ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Field Office 1 sa ilalim ng Pag-abot Program.
Noong Setyembre 29, nakatanggap ng pangkabuhayang tulong ang isang kliyente mula sa Lingayen para sa pagsisimula ng negosyong pagtitinda ng frozen food.
Samantala, noong Oktubre 2, 2026, isang kliyente mula sa Rosales ang nakatanggap ng pinansyal na tulong at pansamantalang tirahan o transitory shelter assistance.
Sa Dagupan City naman, dalawang kliyente ang natulungan ng programa. Ang isa ay nakatanggap ng pinansyal na tulong, habang ang isa pa ay binigyan ng pangkabuhayang tulong para sa pagsisimula ng negosyong bigasan.
Bahagi ito ng patuloy na pagpapatupad ng Pag-abot Program ng DSWD na naglalayong matulungan ang mga indibidwal at pamilyang dating namumuhay sa lansangan na makapagsimulang muli sa pamamagitan ng mga serbisyong angkop sa kanilang pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








