Tuesday, October 20, 2026

π—”π—Ÿπ—žπ—”π—Ÿπ——π—˜ 𝗔𝗧 π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—’π—£π—œπ—¦π—¬π—”π—Ÿ, π— π—¨π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—›π—œπ—‘π——π—œ π——π—¨π— π—”π—Ÿπ—’ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ——π—œπ—‘π—œπ—š 𝗦𝗔 𝗧𝗒𝗕𝗔𝗖𝗖𝗒 π—˜π—«π—–π—œπ—¦π—˜ 𝗧𝗔𝗫 𝗙𝗨𝗑𝗗𝗦

REINA MERCEDES, Isabela β€” Muling hindi dumalo ang alkalde at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Reina Mercedes, Isabela sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Sangguniang Bayan kaugnay ng paggamit ng pondo mula sa Tobacco Excise Tax nitong Lunes, Oktubre 19.

Kabilang sa mga ipinatawag upang magbigay-linaw ang mga kinatawan ng Municipal Engineering Office, Treasurer’s Office at Accounting Office.

Ayon kay Vice Mayor Atty. Jeryll Harold Respicio, hindi pa rin naibibigay ang ilan sa mga dokumentong hinihingi niya kaugnay ng mga proyektong pinondohan mula sa nasabing buwis.

Iginiit ni Respicio na kailangang matiyak kung naipatupad ang mga proyekto at kung nagamit ang pondo ayon sa layunin nito.

Isinusulong din ng bise alkalde ang mas malaking pondong direktang mapakikinabangan ng mga magsasaka ng tabako, sa halip na umasa lamang sa mga proyektong pinopondohan mula sa kanilang bahagi sa nasabing buwis.

Samantala, itinanggi na ng lokal na pamahalaan ang mga alegasyong ghost projects ang mga kinukuwestiyong imprastraktura. Nauna na ring ipinaliwanag ng Municipal Engineering Office na naitayo at ginagamit ang ilang proyekto.

Patuloy namang hinihintay ang panig ng alkalde at ng iba pang kinauukulang opisyal upang matugunan ang mga tanong tungkol sa paggamit ng pondo.

Facebook Comments