Wednesday, October 21, 2026

Preparasyon ng pamahalaaan para sa ASEAN Summit sa Nobyembre, nasa tamang timeline

Nasa tamang iskedyul ang paghahanda ng pamahalaan para sa ika-49 na ASEAN Summit sa Nobyembre.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, kabilang sa mga inaasikaso ang mga agenda, lugar na bibisitahin ng mga lider, at ayos ng mga upuan sa mga pagpupulong.

Pinaghahandaan din ang pagdating at biyahe ng convoy ng nasa 20 lider ng mga bansang lalahok sa summit, kabilang ang pagsalubong sa kanila sa paliparan at mga pagbabago sa daloy ng trapiko.

Bagama’t marami pang kailangang tapusin, sinabi ni Recto na marami na ring natapos sa paghahanda para sa naturang pagtitipon.

Si Recto ang namumuno sa ASEAN National Organizing Council na nangangasiwa sa paghahanda para sa summit at mga kaugnay na pagpupulong.

Facebook Comments