
CAGAYAN VALLEY – Pinayuhan ng Department of Agriculture Regional Field Office 02 (DA RFO2) ang mga magsasaka sa Lambak ng Cagayan na simulan na ang pagtatanim ng palay at mais ngayong Oktubre habang may sapat pang tubig at pag-ulan, bilang paghahanda sa inaasahang Super El NiΓ±o sa 2027.
β
βAyon kay Dr. Roberto βButchβ Busania, Regional Technical Director for Operations and Extension ng DA RFO2, maaaring maranasan ang epekto ng tagtuyot pagsapit ng Marso 2027.
β
βDahil dito, mahalagang maagang maihanda ang mga sakahan at maiakma ang iskedyul ng pagtatanim upang maiwasan ang malaking pagbaba sa ani.
β
βUmabot na sa 90 porsiyento ang distribusyon ng hybrid seeds, abono at iba pang farm inputs sa Rehiyon Dos.
β
βNagbibigay rin ang ahensya ng mobile solar-powered irrigation systems sa mga samahan ng magsasaka upang makatulong sa pagpapatuloy ng produksyon sa kabila ng posibleng kakulangan sa tubig.
β
βSamantala, naghahanda na rin ang DA RFO2 ng β±5,000 fuel assistance para sa mga kwalipikadong magsasakang may makinarya, na target ipamahagi sa huling bahagi ng 2026.
β
βHiniling din ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan na pabilisin ang pamamahagi ng mga ayuda upang makapagtanim ang mga magsasaka bago matapos ang Oktubre.










