
Patuloy na makikilahok si Senator-judge Alan Peter Cayetano sa proseso ng impeachment trial sa kabila ng “continuing objection” niya sa pagkakahalal kay Senator-judge Chiz Escudero bilang presiding officer kapalit ni Senate President Sherwin Gatchalian.
Muling iginiit ni Cayetano na malinaw sa Konstitusyon na dapat ang tatayong presiding officer ay ang Senate president.
Puna pa ng senador, nang kwestyunin niya ang pagpili kay Escudero bilang presiding officer ay sinita siya na hindi ang impeachment court ang tamang forum gayong kapag sa Facebook live niya sinasabi ang mga ganito ay galit din sila.
Gayunman, ayaw ni Cayetano na maantala ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kaya ipinasok niya ang mosyon na patuloy na pagtutol sa pagpapalit ng presiding officer.
Nag-aalala naman si Cayetano na oras na maumpisahan ang pagbaluktot sa batas at hindi pagsunod sa Konstitusyon ay tiyak na sunod-sunod na ang paglabag.










