Lumabas sa survey ng Global State of Workplace report na nakabatay sa taong 2025, pangalawa umano ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming empleyadong nakararanas ng ‘daily anger’, habang nanguna naman ito sa nakararanas ng workplace stress.
Ang ilang manggagawang Pangasinense, naglabas din ng kanilang saloobin ukol sa dahilan ng nararamdaman nilang stress bilang isang empleyado.
Ipinapakita lamang nito na bukod sa paghahanap ng kabuhayan, isa rin umano sa kinahaharap ng ilang manggagawa ang pamamaraan kung papaano maipagkakasya ang kinita sa pagtatrabaho araw-araw.
Dahil dito, muling nabibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas maayos na work environment at sapat na suporta para sa kapakanan ng mga empleyado.
Pinagtibay naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pangako nitong isulong ang mas ligtas at mas malusog na mga lugar ng trabaho sa paggunita ng World Day for Safety and Health at Work 2026 noong Abril 28.
Ayon sa DOLE, patuloy nitong palalawakin ang mga programa sa mental health, pagpapatupad ng Occupational Safety and Health Law, at pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang matiyak ang ligtas, produktibo, at makataong lugar ng trabaho para sa lahat ng manggagawang Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








