
Kinumpirma ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na gagamitin nila ang testimonya ng walong dating bodyguards ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co sa kasong inihahanda nila laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ani Clavano, maituturing na categorical at consistent ang narrational facts na may kaugnayan sa paghahatid ng pera kina Co at Rumualdez.
Ani Clavano, noong June 20 pa nila ibinigay kay Atty. Levi Baligod ang nagawang affidavits ng walo.
Humirit umano ang mga ito ng extension pero hanggang sa ngayon ay hindi pa pinipirmahan ni Atty. Baligod ang affidavits.
Kinakailangan na umanong mapirmahan ito upang maisama nila sa kasong inihahanda laban kay Romualdez.
Facebook Comments










