Hindi lamang pagtatayo ng maayos na daanan at drainage system ang layunin ng Operation Sitio: Pathway with Drainage Project kundi pati ang pagbibigay ng oportunidad sa mga walang trabahong residente na magkaroon ng pansamantalanghanapbuhay sa pamamagitan ng programang TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa tulong ng nasabing programa, nabigyan ng pagkakataong kumita ang mga kwalipikadong benepisyaryo habangaktibong nakikibahagi sa mga gawaing pangkaunlaran ng kanilang komunidad.
Kabilang sa mga pangunahing gawain ng proyekto ang pagtatayo ng matibay at maayos na pathway para sa mgaresidenteng apektado ng pagbaha, paglalagay ng drainage system upang makatulong sa maayos na daloy ng tubig,gayundin ang paglilinis ng mga kanal at estero upang mabawasan ang panganib ng pagbabara at pagbaha.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, hindi lamang imprastraktura ang napapaganda kundi nabibigyan din ng karagdagang pagkakakitaan ang mga pamilyang nangangailangan, habang napapalakas ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








