Naaresto ng mga awtoridad ang Top 2 at Top 3 Most Wanted Persons sa municipal level sa sa Brgy. Poblacion Labrador, Pangasinan sa isinagawang magkahiwalay na operasyon noong Abril 22,2026.
Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO), nadakip ng lokal na pulisya ang Top 2 Most Wanted Person sa Brgy. Poblacion, na nahaharap sa ilang bilang ng paglabag sa Republic Act No. 11765 kaugnay ng Securities Regulation Code, gayundin ang kasong estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code, na may kabuuang piyansa na ₱144,000.
Samantala, nasakote rin sa follow-up operation sa parehong lugar ang Top 3 Most Wanted Person na nahaharap sa parehong mga kaso at may inirekomendang piyansa na ₱144,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Labrador Municipal Police Station ang dalawang naaresto para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso.
Facebook Comments










