Sa isang consultative meeting, tinalakay ang mahahalagang hakbang sa pagpapanatili ng kaayusan sa dalampasigan, kabilang ang mahigpit na pagpapatupad ng umiiral na Liquor Ban na nagbabawal sa pag-inom ng alak at iba pang nakalalasing na inumin sa mismong baybayin.
Layunin nito na maiwasan ang anumang kaguluhan at mapanatiling family-friendly ang lugar para sa mga turista at residente.
Binigyang-diin din sa pulong ang kahalagahan ng sama-samang pangangalaga sa kalikasan, partikular ang wastong pamamahala ng basura upang mapanatili ang kalinisan ng dalampasigan.
Hinikayat ang mga negosyante na makiisa sa mga programang pangkalikasan at maging responsableng katuwang ng pamahalaan.
Samantala, pinagtibay rin ang mas matibay na koordinasyon sa pagitan ng pulisya at mga establisyimento, lalo na sa panahon ng pagdagsa ng mga bisita.










