1 patay sa pananalasa ng Bagyong Henry

Isa ang napaulat na nasawi sa Ilocos Region sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Henry.

Pero paglilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ito ay subject for validation pa.

Samantala, nasa 110 pamilya o 321 indibidwal mula sa apat na barangay sa Ilocos Region ang inilikas dahil sa bagyo.


Sa nasabing bilang, 60 pamilya o 149 katao ang inilipat sa isang evacuation center habang 11 pamilya o 30 indibidwal ang nananatili sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Walong kalsada at isang tulay naman sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region ang hindi pa rin madaanan.

Facebook Comments