Monday, May 18, 2026

Personal grudge, motibo sa nangyaring barilan ng magtiyuhin sa Batangas

Tinitingnan ngayon ng pulisya ang motibong personal grudge sa nangyaring barilan ng magtiyuhin sa Batangas noong May 15.

Kung saan patay ang isang 65 years old na lalaki matapos itong barilin ng pamangkin ng kanyang asawa sa loob ng kanilang compound.

Kinilala ang pamangkin na lalaki sa alyas na “Emil”, 55 years old at isang retired PNP personnel.

Kuha sa CCTV footage ang unang pagbunot at pagpapaputok ng calibre 45 na baril ng tiyuhin na si alyas “ Ruben” sa kanyang pamangkin.

Kung saan dito na rin bumunot ng calibre 40 na baril ang pamangkin na si Emil at pinagbabaril din ang kanyang tiyuhin hanggang sa maubos ang kanilang mga bala.

Dineklarang dead on arrival ang tiyuhin na nagtamo ng hindi bababa sa 10 tama ng baril sa katawan habang ang pamangkin ay naggagamot sa ospital.

Ayon kay acting Chief of Police ng Padre Garcia Municipal Police Station na si Police Major Frank Davis Tuddao, nasanay na umano ang pamilya ng mga ito sa kanilang bangayan na noong 2018 pa nagsimula.

Hinihintay naman ang desisyon ng pamilya ng nasawing tiyuhin kung sasampahan ng kaso ang nasabing pamangkin.

Facebook Comments