Saturday, May 16, 2026

Bagong Brain and Spine Center, binuksan sa Tuguegarao

Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong Brain and Spine Center sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.

May 30 kama at dalawang operating room ang pasilidad na gagamitin para sa paggamot ng stroke, operasyon sa utak at gulugod, at iba pang sakit na may kaugnayan sa nervous system.

Kabilang sa mga pasilidad nito ang Acute Stroke Unit, Neurosurgery Complex, at Neurodiagnostic Services para sa mga pasyente sa Cagayan Valley at mga karatig-lugar.

Kasabay nito, isinagawa rin ang groundbreaking para sa itatayong apat na palapag na Heart, Lung, Renal Care and Kidney Transplant Center sa loob ng ospital.

Target na simulan ang konstruksyon sa Hunyo 2026 at makumpleto pagsapit ng Hunyo 2027.

Ayon sa pamunuan ng ospital, layunin ng mga bagong specialty center na mabawasan ang pagpapadala ng mga pasyente sa Metro Manila para sa mas komplikadong gamutan.

Facebook Comments