Monday, November 23, 2026

LTO, kinalampag ng grupong Manibela kontra sa umano’y pagpapalit ng liderato sa ahensya

Kinalampag ng Grupong Manibela ang tanggapan ng Land Transportation Office o LTO ngayong Lunes ng umaga, November 23 para tutulan ang umano’y pagpapalit ng liderato sa LTO.

Sa programang ikinasa ng Manibela, kinukwestiyon ng grupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Department of Transportation o DOTr Secretary Vince Dizon, kung ano ang dahilan sa umano’y pagpapalit kay LTO Chief, Assistant Secretary Marcus Lacanilao at sino ang nagrekomenda rito.

Sa kabilang banda, pumasok naman si Valbuena sa tanggapan ng LTO, para sumali sa closed-door meeting ni Lacanila at Dizon.

Samantala, lumahok naman umano sa kilos-protesta ang 600 hanggang 700 katao mula sa mga tsuper ng Manibela, kasama ang mga MC Taxi riders, TNVS, UV Express, at mga truck driver sa Meteo Manila.

Facebook Comments