Umabot sa 100 benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) mula sa iba’t ibang barangay ng Manaoag ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office I noong Hunyo 16, 2026.
Ayon sa ulat, ipinamahagi ang Community Mobilization Fund (CMF) bilang bahagi ng Project Convergence Budgeting initiative ng ahensya.
Ito umano ay para sa pagsisimula o pagpapaunlad ng mga kabuhayan ng mga benepisyaryo.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa iba’t ibang barangay sa Manaoag, na tinukoy bilang mga kalahok sa community-based livelihood initiatives sa ilalim ng naturang programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








