Arestado ang isang magsasaka na kabilang sa Top 10 Regional Most Wanted Persons sa Region 1 sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Poblacion Sur, Caba, La Union nitong umaga ng Hunyo 15, 2026.
Kinilala ang suspek bilang isang 31 anyos na may asawa at residente ng Brgy. Liquicia, Caba, La Union.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong homicide sa ilalim ng Article 249 ng Revised Penal Code.
Ayon sa ulat, may piyansa itong nagkakahalaga ng ₱120,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Caba Municipal Police Station bilang lead unit, katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) at Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU) ng La Union Police Provincial Office.
Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang suspek sa Caba Municipal Police Station para sa tamang dokumentasyon at disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









