Monday, June 15, 2026

Senador, umapela na pagtuunan na ng pansin ang paggawa ng mga batas

Nakiusap na si Senator Erwin Tulfo sa mga kasamahang senador na ituon na ang kanilang pansin at mandato sa paggawa ng batas.

Kasabay nito ang panawagan ni Tulfo na magkaisa na sila at isantabi na ang mga nagaganap na hidwaang pampulitika.

Iginiit ng senador na dapat lampasan na ang usapin ng kulay at partido dahil ang isyu tulad gutom, mahal na gamot at kahirapan ay walang pinipiling kulay.

Hindi na dapat nagiging usapin ng pagpanig kung kanino ang isyu sa Senado dahil lahat ay nakakaranas ng mga problemang dulot ng krisis sa bansa at kung hindi maaaksyunan ang mga problema ay tiyak na sabay-sabay na lulubog ang lahat.

Bukod sa pagbalangkas ng batas, nanawagan na rin si Tulfo na mag-imbestiga sa mga iregularidad nang walang kinatatakutan at unahin na nila ang kapakanan ng mga Pilipino.

Facebook Comments