Thursday, July 9, 2026

Region 8 most wanted person para sa multiple counts ng rape, arestado

Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang most wanted person ng region 8 sa isinagawang manhunt operation sa Cagayan De Oro City.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Totoy”, 48 years old at mula sa Southern Leyte.

Ang nasabing operasyon ay naisagawa sa bisa ng warrant of arrest para sa multiple counts ng rape na walang rekomendang pyansa.

Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments