Friday, September 18, 2026

Karapatan ng Pilipinas sa inaangking teritoryo ng China, hindi mababago sa kabila ng ginagawang pangha-harass ng China —PCG

Hindi matitinag ang Pilipinas sa kabila ng ginagawang pangha-harass ng China sa ating mga barko.

Ito ang tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) kasunod ng insidente ng sadyang pagbangga ng China Coast Guard (CCG) vessel sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, ang naturang aksyon ng China ay paglabag sa iba’t ibang kasunduan at sa 2016 Arbitral Award.

Hindi rin aniya mababago ng kahit ilan pang pagbangga at delikadong pagmaneobra ang katotohanan na pag-aari ng Pilipinas ang inaangking bahagi ng karagatan ng China.

Dahil dito, patuloy aniyang susuportahan ng PCG ang mga misyon ng BFAR sa West Philippine Sea (WPS) alinsunod na rin sa gabag ng pangulo para matiyak ang kaligtasan ng mga mangingisdang naghahanapbuhay sa loob ng ating exclusive economic zone (EEZ).

Facebook Comments