1,901 INDIGENT SENIOR CITIZENS SA SAN FABIAN, NAKATANGGAP NG SOCIAL PENSION PARA SA IKALAWANG KWARTER NG 2026

Umabot sa 1,901 indigent senior citizens sa bayan ng San Fabian ang nakatanggap ng kanilang Social Pension para sa ikalawang quarter ng taong 2026 sa isinagawang dalawang araw na payout noong Hunyo 17 at 18.

Noong Hunyo 17, nakatanggap ng kanilang social pension ang mga kwalipikadong senior citizen mula sa 17 barangay ng bayan. Sinundan naman ito noong Hunyo 18 kung saan isa pang grupo mula sa 17 barangay ang pinagkalooban ng parehong benepisyo.

Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P3,000 na ayuda na sumasaklaw sa mga buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo.

Samantala, nagsagawa rin ng verification ang Philippine Statistics Authority (PSA) upang matugunan ang mga posibleng discrepancy sa pangalan ng mga benepisyaryo batay sa datos ng Community-Based Monitoring System (CBMS) at maisagawa ang kinakailangang pagwawasto.

Ang programa ay bahagi ng Social Pension Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Matapos mailipat ang pondo sa Local Government Unit ng San Fabian, ang Municipal Treasury Department sa pangunguna ni Municipal Treasurer Ms. Mariebeth Santos ang nangasiwa sa distribusyon ng ayuda. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments