
Masalimuot na mga kilos-protesta ang nararanasan ngayon sa France at Italy dahil sa mga bayolenteng pagkilos ng mga mamamayan.
Kaliwa’t kanan ang naging riot sa France na umabot na sa pagnanakaw at pagsunog ng kanilang city hall, hanggang sa ipagbawal na ng pamahalaan ang pagsasagawa ng mga demonstrasyon.
Idinadaing ng mga taga-France ang patuloy na pag-aray dahil sa pagtaas ng gastusin, habang sa Italy naman ay ang mataas na presyo ng langis at mababang pasahod.
Kaya naman, tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakahanda ito sa posibleng paglikas at repatriation ng mga OFW kasunod ng mga patuloy na gulo at rally.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nagbukas na ng mga communication at help line sa dalawang bansa para sa mga kababayang nangangailangan ng tulong.
Tiniyak naman ng kalihim na sa kabila ng umiiral na tensyon ay wala pang naiuulat na Pilipinong direktang naapektuhan o nasaktan sa mga nagdaang demonstrasyon.










