Pagkilala sa kontribusyon sa lipunan ng mga kababaihan sa Cavite, pinangunahan ng RMN Foundation at ng Inner Wheel Club of Las Piñas

Nagsanib pwersa ang RMN Foundation at ang Inner Wheel Club of Las Piñas and Environs District 383 sa pagkilala sa kontribusyon sa lipunan ng mga kababaihan sa Bacoor, Cavite.

Ang nasabing event na may temang Babaye Ka: Celebrating the Power of Women ay ginaganap ngayon sa Nomo Vista Mall, Bacoor City, Cavite.

Kabilang sa handog ng RMN Foundation at ng Inner Wheel Club of Las Piñas , sa selebrasyon ng National Women’s Month ang maikling seminar tungkol sa breast and cervical cancer prevention, mental health awareness at women empowerment bukod pa sa fun games at belly dancing.


Ayon kay RMN Foundation Officer-in-Charge Patrick Aurelio, nakikiisa ang RMN Networks at RMN Foundation sa pagkilala sa ipinamamalas na galing at husay ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan.

Ikinalugod naman ni Pascual Consumer Healthcare Corporation Direct Marketing Associate Louis Alejandro Santelices ang buwena-manong pagsabak nila sa event ng RMN Foundation matapos ang pirmahan ng memorandum of partnership at asahan pa ang maraming programa ng Pascual Lab at ng RMN Foundation.

Katuwang din ng RMN Foundation sa programang ito ang Nomo – A Vista Lifestyle Center, Nomo Belly Dancing Ladies, Pascual Consumer Healthcare Corporation, Cerviq, Mental Health Ph, I-Fern, Bolinao Dental Clinic, RMN DZXL 558 Manila Radyo Trabaho, DWWW 774 at iFM 93.9 Manila.

Facebook Comments