Monday, September 14, 2026

Voting hours sa Maluso, Basilan ngayong BARMM Elections, posibleng palawigin ng COMELEC

Hindi isinasantabi ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibilidad na umabot hanggang bukas ang botohan sa BARMM Parliamentary Elections sa ilang lugar sa Basilan.

Ito ay matapos madiskubre na pre-shaded na ang ilang balota sa bayan ng Maluso sa Basilan.

Dahil dito, hinintay pa ng poll body ang mga bagong balota na inimprenta upang maipagpatuloy ang halalan.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, depende pa ito sa oras ng pagdating ng mga balota.

Nilinaw rin ni Garcia na hindi ibig sabihin nito ay ipinagpaliban na ang halalan.

Una nang pinalawig ng poll body ang oras ng halalan sa Al Barka hanggang mamayang alas-9:00 ng gabi.

Facebook Comments