Monday, September 14, 2026

Paggastos ng gobyerno sa mga proyekto, pabibilisin pa para makabawi sa paghina ng piso kontra dolyar —PBBM

Pabibilisin ng pamahalaan ang public spending sa mga proyekto upang muling pasiglahin ang ekonomiya sa gitna ng paghina ng piso kontra dolyar.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bumagal ang public spending matapos ipahinto at suriin ang mga kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kaya naantala ang mga proyekto at naapektuhan ang paglago ng ekonomiya at trabaho.

Gayunpaman, unti-unti na aniyang bumabawi ang paggastos ng gobyerno at inaasahang makakahabol ito sa antas noong nakaraang taon sa loob ng susunod na ilang buwan.

Inaasahan din ng Pangulo na magsisimula nang gumanda ang economic numbers, kabilang ang paglago at employment sa kabila ng mga hamon tulad ng inflation at kaguluhan sa ibang bansa.

Tiniyak din ng Pangulo na tututukan ng pamahalaan ang pagpapababa ng presyo mga habang pinapabilis ang paggastos para suportahan ang ekonomiya.

Facebook Comments