Wednesday, September 9, 2026

Palasyo, dumistansya sa isyu ng umano’y special treatment kay ex-Speaker Romualdez

Ipinauubaya ng Palasyo sa mga doktor ni dating House Speaker Martin Romualdez ang usapin ng umano’y pagbibigay ng special treatment matapos itong arestuhin dahil sa plunder kaugnay sa flood control anomaly.

Ito ay matapos batikusin ang umano’y special treatment kay Romualdez na kasalukuyang nasa Cardinal Santos Medical Center at doon na rin sinilbihan ng arrest warrant noong Lunes.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi mapipigilan ang mga doktor kung ano ang nakikita nilang kondisyon ng isang akusado.

Hindi rin daw pwedeng pilitin ng mga awtoridad na dalhin agad ang isang akusado na wala pang pahintulot mula sa doktor para ilipat sa lugar kung saan ito ikukulong.

Sinabi pa ni Castro na dapat bigyan ng benefit of the doubt ang mga doktor at ginagawa rin naman ang lahat ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Facebook Comments