Thursday, September 10, 2026

PBBM at pribadong sektor, tututok sa mas matibay na imprastraktura kontra kalamidad

COURTESY: RTVMalacañang/YouTube

Mas palalakasin ng pamahalaan ang mga imprastraktura at flood management measures para mabawasan ang pinsala ng mga kalamidad, lalo na ang pagbaha.

Ito ang sentro ng ika-walong pulong ng Private Sector Advisory Council (PSAC) na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang.

Tinalakay sa pulong ang structural safety ng mga gusali, kalidad ng imported cement, disaster resilience at flood management.

Kabilang din sa tututukan ang pagbawas sa pagbaha sa mga komunidad sa paligid ng Laguna de Bay at Southern Metro Manila.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, makatutulong ang pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor para matiyak na mas ligtas at matibay ang mga imprastraktura, lalo na sa panahon ng sakuna.

Palalakasin din ang water security at pabibilisin ang mga water infrastructure project para mas handa ang bansa sa mga panganib dulot ng climate change.

Facebook Comments