
Kinumpirma ni Atty. Mark Tolentino ang pag-atras ng Department of Justice (DOJ) state prosecutors sa mga kasong unlawful publication at cyberlibel laban sa kaniyang mga kliyente na sina Jay Sonza at Eric Celiz.
Ayon kay Atty. Tolentino, mga state prosecutors ng DOJ na unang itinalaga para sa naturang mga kaso nina Sonza at Celiz ay pormal nang umatras sa kanilang appearances matapos ang unang pagdinig.
Nilinaw naman ni Atty. Tolentino na ang lahat ng case records ay naipasa na sa Office of the City Prosecutor ng Pasay para sa muling pag-assign at karagdagang pagproseso.
Sinabi rin ni Atty. Tolentino na ang biglaang pagbawi ng state prosecutors ng DOJ sa maagang yugto ng kaso ay itinuturing na isang mahalagang procedural development na maaaring makaapekto sa daloy at direksyon ng mga susunod na pagdinig.
Mananatili naman aniya ang pagsasailalim sa kaukulang proseso sa kaso sa ilalim ng umiiral na cybercrime at libel laws sa Pilipinas.










