12-anyos na babae, inihian ng pulis habang binibidyuhan

1295
Image via Euclid Police Department

Patong-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang pulis matapos bidyuhan ang sarili habang iniihian ang isang 12-anyos babae sa Ohio, Estados Unidos.

Kinilala ang suspek na si Solomon Nhiwatiwa, 34, mula sa Cleveland.


Batay sa imbestigasyon, nag-aantay ng school bus ang hindi pinangalanang biktima nang makita ng police officer bandang alas-siyete ng umaga noong Agosto 16.

Tinanong ni Solomon ang bata kung gusto nitong sumabay ngunit tumanggi ito.

Makalipas ang ilang minuto, binalikan ng salarin ang biktima at inihian ito habang kinukuhanan ng bidyo ang sarili.

Pagkatapos umihi ay bumalik na ito sa kaniyang sasakyan at umalis.

Matapos magsumbong ang ina ng musmos sa awtoridad, kaagad naaresto si Solomon nitong Martes.

Kinasuhan ang suspek ng attempted kidnapping with sexual motivation, pandering obscenity, public indecency, disseminating matter harmful to juveniles, endangering children, criminal child enticement, at assault and attempted interference with custody.

Uumpisahan dinggin ang mga reklamong isinampa kay Solomon sa Lunes, ika- 8:30 ng umaga sa Cuyahoga County Justice Center.

(Cherrylin Caacbay contributed to this story)

Facebook Comments

From Advertisers