Wednesday, May 6, 2026

Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, bumaba nitong buwan ng Marso — PSA

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng bilang ng walang trabaho sa bansa nitong buwan ng Marso 2026.

Sa datos ng PSA, bumaba ng 5% mula sa 5.1% ang unemployment rate nitong March 2026 kung saan mas mataas naman ito kung ikukumpara sa 3.9 percent na naitala noong March 2025.

Nabatid na ang datos ng nasabing unemployment rate nitong March 2026 ay katumbas ng 2.58 milyon na indibidwal na walang trabaho na bahagyang mababa ang bilang sa 2.66 milyun nitong February 2026.

Sa kabila nito, nasa 95 percent naman ang naitalang employment rate nitong March 2026 na mas mataas noong February 2025 na nasa 94.9 percent.

Ibig sabihin nito, nasa 49.07 milyum na pilipino ang may trabaho na mas mataas noong March 2025 na nasa 48.02 milyun pero mas mababa naman sa 49.43 milyun noong February 2026.

Nabatid na ang service sector ay may pinakamataas na employment rate na nasa 63 percent nitong March 2026 habang 19.1 percent sa Agriculture at 17.9 percent sa Industry sectors.

Facebook Comments