Tuesday, May 5, 2026

May 6-8, idineklarang special non-working holiday sa Lapu-Lapu City at Cordova, Cebu para sa ASEAN Summit

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang special non-working holiday ang May 6 hanggang May 8, 2026 sa Lapu-Lapu City at Cordova, Cebu.

Batay sa Proclamation No. 1238, pansamantalang hihinto ang trabaho sa mga nasabing petsa upang mapadali ang galaw ng seguridad at logistics para sa summit.

Layon din ng deklarasyon na mabawasan ang bigat ng trapiko sa lugar at masiguro ang kaligtasan ng mga delegado at kalahok sa ASEAN Summit na gaganapin sa nasabing mga lugar.

Ayon sa Malacañang, nasa final preparation stage na ang pamahalaan para sa paghahanda sa hosting ng bansa sa ASEAN Summit.

Facebook Comments