Thursday, June 25, 2026

NDRRMC, nananatiling nakaantabay kaugnay ng pinsala ng magnitude 6 na lindol na yumanig sa Eastern Samar kanina

Nakaantabay na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga ipapadalang impormasyon ng mga local disaster unit kaugnay ng epekto ng magnitude 6 na lindol na yumanig sa Eastern Samar ngayong araw.

Ayon sa NDRRMC, wala pang naipapadalang ulat ng casualties o pinsala ang nasabing lindol.

Gayunpaman ay nagsasagawa na ng assessment ang mga regions at local disaster risk reduction and management offices sa mga naapektuhan ng lindol.

Nabatid na kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na kaninang 2:09 ngayong hapon ay niyanig ng magnitude 6 na lindol ang bayan ng San Julian, Eastern Samar.

Samantala, naramdaman naman ang intensity 5 sa Tacloban City sa lalawigan ng Leyte.

Facebook Comments