1,399 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa nakalipas na linggo

50

Umabot sa 1,399 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mula Abril 25 hanggang Mayo 1, 2022.

Batay sa Department of Health (DOH), mas mababa ito ng limang porsyento kumpara sa mga naiulat na kaso ng COVID-19 noong Abril 18 hanggang 24.

Nasa 200 naman ang daily average cases.


Wala namang bagong severe at critical cases habang 215 ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din na nasa 16.3 porsyento ang non-Intensive Care Unit (ICU) bed utilization kung saan 3,998 sa 24,521 non-ICU beds ang gamit.

Nasa 16.1 porsyento naman ang ICU bed utilization kung saan 456 sa 2,830 ICU beds ang gamit.



Nasa 723 naman ang severe and critical admissions, o 13.4 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

Facebook Comments