Monday, June 22, 2026

Metro Cebu Expressway, muling binuksan matapos ang landslide noong 2023

Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Metro Cebu Expressway (MCE) Segment 3A sa Naga City, Cebu na nasira dahil sa landslide noong 2023.

Ayon sa pangulo, maaari nang madaanan muli ang kalsada simula ngayong araw matapos ang rehabilitasyon nito.

Tinatapos na lamang ang mga slope protection measures upang maiwasan ang panibagong pagguho ng lupa.

Matatandaang pansamantalang itinigil ang proyekto noong 2024 dahil sa mga usapin sa kaligtasan at epekto nito sa kapaligiran.

Dagdag pa ng pangulo, mahalaga ang muling pagbubukas ng kalsada dahil ito ang ginagamit ng mga manggagawa, residente at mga negosyong nasa lugar.

Pinalawak sa apat na lane ang Segment 3A upang manatiling bukas ang bahagi ng kalsada kahit magkaroon ng pagguho ng lupa.

Kapag natapos ang rehabilitasyon, 10 minuto na lamang ang biyahe mula Barangay Pangdan hanggang Naga Valley Industrial Park mula sa dating 25 minuto.

Facebook Comments