Friday, June 26, 2026

Senador, iminungkahi na suriin ang Philippine Juvenile Justice Law

Hinimok ni Senator Ping Lacson na suriin ang Philippine Juvenile Justice Law matapos ang magkakasunod na karahasan na kinasangkutan ng mga menor de edad.

Giit ni Lacson, dapat muling talakayin ang mga probisyon ng batas hinggil sa pananagutang kriminal kung saan hindi dapat otomatikong maging dahilan ang edad para makaiwas sa pananagutan ang nagkasala.

Tinukoy ng senador ang nanyari noong Pebrero 1993 kung saan dinukot, pinahirapan at pinatay ng dalawang sampung taong gulang na batang lalaki ang dalawang taon na si James Patrick Bulger sa England.

Ang kasong ito ay nakatawag ng pansin sa buong mundo para magbukas ng talakayan kung paano dapat timbangin ng sistemang pangkatarungan ang pananagutan, kaligtasan ng publiko at rehabilitasyon ng mga kabataang nagkasala.

Ipinunto naman ni Lacson na ang nangyaring pamamaril ng dalawang menor de edad sa isang paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong kaeskwela nila ang nagudyok sa senador para imungkqhi na muling repasuhin ang naturang batas.

Facebook Comments