Friday, June 26, 2026

Pondo ng bayan, hindi ginamit sa audio visual presentation ng House Prosecution Team

Binigyang-diin ni House Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua na private donors at hindi pondo ng bayan ang ginamit sa audio visual presentation na lumabas sa iba’t ibang social media platforms na nagtatampok sa 11-miyembro ng house prosecution team.

Ayon kay Chua, marami ang boluntaryong nag-aalok ng suporta sa iba’t ibang paraan kaugnay sa proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Binanggit ni Chua, na layunin mga itong mapalawak ang kaalaman ng mamamayan hinggil sa impeachment trial.

Diin ni Chua, hindi naman nila mapipigilan ang mga nais makatulong para sa kapakanan ng sambayanan.

Facebook Comments