Friday, June 26, 2026

Pag-hire ng mga dagdag na school counselors, pinamamadali ng isang senador

Pinamamadali ni Senate President Win Gatchalian sa Department of Education (DepEd) ang pag-hire o pagkuha ng dagdag na mga school counselor associates sa mga paaralan sa bansa.

Sa gitna na rin ito ng dumaraming kaso ng karahasan sa mga paaralan.

Tinukoy ni Gatchalian na may P2 billion na pondo sa ilalim ng 2026 budget para sa pag-hire ng 10,000 School Counselor Associates I bilang tugon na rin sa Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na nagsusulong ng mental-health at kapakanan ng mga mag-aaral.

Ayon kay Gatchalian, naglaan ng pondo ang Senado para sa pagkuha ng School Counselor Associates para magabayan ang mga estudyante sa paghubog ng mabuting-asal at matiyak ang kanilang maayos na kalagayan pangkaisipan at emosyonal.

Ang mga maha-hire na School Counselor Associates ay dapat nagtapos ng Bachelor’s Degree in Guidance and Counseling o Psychology o alinmang Bachelor’s Degree na may “at least” 18 units o 18 units ng Behavioral Science.

Facebook Comments