
Nadagdagan ang mga awtorisadong deluxe boats na maaaring magsilbi sa mga turista sa Hundred Islands matapos gawaran ng Mayor’s Permit ang tatlong may-ari ng naturang mga bangka.
Ayon sa Alaminos City Tourism and Cultural Affairs Office, Transportation Regulation Unit (TRU), at City Engineering Office, dumaan sa masusing inspeksyon ang mga deluxe boat upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa itinakdang pamantayan at espesipikasyon.
Batay sa talaan ng TRU, umabot na sa labing-apat ang mga deluxe boat na may pahintulot na magbigay ng serbisyo sa mga bumibisita sa Hundred Islands.
Sa bilang na ito, dalawa ang nakatalaga sa Bolo Beach, isa sa Bued Mangrove, at labing-isa sa Lucap Wharf.
Binigyang-diin ng pamahalaang lungsod na dumaan ang lahat ng aplikante sa mahigpit na pagsusuri at kumpletong pagproseso ng mga kinakailangang dokumento bago nabigyan ng Mayor’s Permit.
Kabilang sa mahahalagang rekisito ang pagkakaroon ng sertipikasyon mula sa Maritime Industry Authority (MARINA) bago maproseso ang permit sa lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










